Eto ang unang situwasyon.. Ikaw ang boss. Meron kang isang empleyadong nanggagalaiti sa galit at tuluyan ng nawalan ng kontrol sa sarili.
Eto ang nangyari.. Sinigawan ka sa harap ng iyong mga tauhan. Take note, ikaw ang boss at isa syang di hamak na trabahador lang. Saan ka sinisigawan? Sa mismong opisina mo. Ininsulto nya ang pamamalakad mo, ininsulto nya yong systemang pinapatupad mo.
Pagkatapos ng komosyon, anong ginawa ng mokong na trabahador na ito?! Pinangalandakan pa sa mundo na english sya ng english sa harap mo at proud pa syang sinigawan ka nya.
Kung ikaw ang boss na pinagsisigawan ng isang masnakakababang rango sayo ano ang gagawin mo?!
Kung ako iyon, there and then sinesante ko na sya.
Pero ano ang ginawa ng boss na tinutukoy ko dito? Wala syang ginawa, ang sabi pa nya.. "Eh ganon talaga sya eh."
Anak ng kunehong kinalbo na ginawang siopao! Kaya tuloy di sya nirerespeto ng mga tao nya eh. Pinapayagan nyang ganon ganunin sya.
Nakakaawang nilalang. Tsk!
-----
Ikalawang situwasyon.. Nakauniporme ka, ang ganda mo. Kagalang galang istura mo. Sumakay ka ng tricycle papunta ng opisina. May kasama ka sa tricycle na di mo kilala, napunta ka dun sa pinakaloob ng tricycle.. Gahaman kasi sa pasahero ang mamang driver kaya kung ilan ang kayang lamanin ng sasakyan nya eh iyon ang isinakay.
Ngayon, bababa ka na. Nagpara ka. Nagexcuse me ka pa. At eto ang nangyari.. Di makaintindi ang katabi mong babae. Manhid sya in short. Di sya tumayo't lumabas muna para makababa ka ng mapayapa. Tamad din sya in short. Wala syang paki sa kapwa nya, in short heartless sya. (haha, di naman halatang galit ako noh?!)
Di talaga kumilos ang babaeng nakasleeveless na ito, eh nagmamadali ka na dahil late ka na. Wala kang magawa kung hindi pahirapan ang sarili mong tumayo'y bumaba ng tricycle. Lechugas na babae, itinabi lang ang sarili sa gilid para magkaroon ng isang makipot na dadaanan mo.
Hello ineng! Malaking tao ka! "POTAH!" napamura ka. Siguro naman narinig nya. Sana talaga nadinig nya.
Kung ikaw yong babaeng naagrabiado, anong gagawin mo?
Ako, napamura ako. Hahahaha. Narinig nga din ata nung security guard namen. Nahiya tuloy ako, di pa man din ako palamurang tao.
-----
Ikatlong situwasyon.. Nahihilig ka sa kape. Masarap eh. Sa isang araw, nakakadalwang tasa ka. Isa sa umaga, isa sa hapon.
Napuna ito ng iyong katrabaho. Sabi nya na para bang nangiinis ang tono sa boses, "Aba kape ka ng kape ah."
Nairita ka sa sinabi nya, baket ba masama bang magkape, breaktime ko naman? Sa iyo ba ang kapeng iniinom ko? Hindi ba ako entitled sa freebees ng kumpanya? Ikaw lang ba ang autorisadong uminom ng uminom ng kape?
Pabiro mong sinabing, "Baket masama?" May halong galit din sa iyong tono.
Naramdaman nyang nainis ka, natigilan sya't umalis ng mesa.
Kung ikaw yong pinuna na kape ng kape, anong gagawin mo?!
-----
Maiba naman tayo, kanina, nagpakasasa ako sa sinahod ko. Hahaha.
Wala lang, ang tagal ko na kasing hindi nakakapagshopping eh. Kaya ayun, nahumaling at nagsplurge! Ubos si pera.
Oks lang, sabi naman ng kaibigan ko, "basta masaya ka sa pinamili mo okie yon."
Masaya ako! Masaya ako! Nabadtrip kasi ako kaninang umaga hanggang hapon, masama ang araw na ito. Ayaw ko namang tapusin ang araw ko ng badtrip ako kaya nagpakasaya ako. Okie na ko. Hehe.
Siguro mamya ko mararamdaman yong pagkaubos ng pera ko. Haha, pagnahimasmasan na ako. Hehe.
-katorze-