Thursday, 01 May 2008

  • Balisa

    Kagabi, di ako makatulog.

    Ewan bakit.

    Inaantok ako na di makatulog.

    Para bang may umiisip sa akin or may iniisip ako.

    Ewan!

    Basta alam ko di ako mapirmi sa kama.

    Nabalatan na nga yong kutson ko kakaikot ikot ko.

    Nakakatawa nga, bumaba ako ng hating gabi at..

    Naligo ako.

    Hehe.

    Oo, naligo ako.

    Pagkasi bagong ligo ako, inaantok ako.

    Yong bang feeling na super linis mo, ang sarap.

    Lahat ng inis, lahat ng worries, lahat ng anek-anek natanggal ng pagsabon sabon.

    Sa awa ng Diyos, nakatulog ako.

    Pero, parang manok.

    Pagising gising.

    Onting kibot lang, nagigising na agad ako.

    Kaya kanina sa planta, mukha akong harrassed.

    Hehe.

    Inaantok eh.

    At nalipad ang utak ko.

    May moments na napapahinto at nabablangko ako.

    Buti nga medjo nagfufunction pa ako kahit papano.

    Ako kasi pinakasenior na FT kanina dun, kaya lahat ng decision making about troubles nakaatas sa akin.

    Hay, buti nalang konti lang ang troubleshooting kanina.

    April 29, 2008 6:20 PM
    -katorze-
  • Choose Identity

  • Give eProps (?)

  • New! You can now edit your comments for 15 minutes after submitting.

Who recommended?