Weblog
Tuesday, 06 May 2008
-
Tamaditis
Ano ba ang pinagkakaabalahan ko ngayon?
Hmm.. Wala!
As in wala.
Wala akong librong binabasa.
Tigang na utak ko.
Wala akong inaabangan na palabas sa tibi.
Napanood ko na kasi lahat ng movies na pinapalabas sa HBO, CINEMAX at STAR MOVIES.
Pati mga series, leche, napanuod ko nang lahat!
Wala akong pinagsasawaang MP3s.
Di pa kasi ako nakakapagdownload ng magandang kanta.
Ay meron, yong mga kanta ni David Cook.
Yun lang, after ilang araw.. sawa na ako.
Toinks!
Wala akong interes magkaron ng gagawin.
Pati dito sa world wide web, wala din ako magawa.
Banaman yan!
Sinubukan ko nung linggo magIRC, walang nangyari.
Nabore lang ako kakatrivia.
Walang makausap na interesante.
YM naman lage ako invi.
Hehe.
Madami akong gustong ikwento sa mga prends kong online pero parang di ko alam san uumpisahan.
Di ko rin kinakausap mga kasambahay ko.
Well, kinakausap ko naman pero pagmay tinanong lang saken.
Tipong, "Arrah, kumain ka na?"
Sagot ko, "Oo."
Un lang.
Haha.
Topak grabe!
Loka-loka na ba ako?
Medjo, actually dati pa.
Hehe.
Wala lang, wala akong gana ngayon gumawa ng kahit ano.
Kahit sa trabaho.
Tamad na tamad akong bumangon sa umaga.
Kinukumbinsi ko pa sarili ko na kelangan ko pumasok dahil magulo ngayon dun.
Nalelate nanaman nga ako.
Hay buhay, parang life!
Minsan nga naguusap sila sa opisina, wala akong alam.
As in, di ko sila maintindihan.
Toinkz!
Naglalaro nalang ako ng Block Breaker Deluxe 2 sa telepono ko.
Wala talaga sa kundisyon!
Ni-text, wala na kong nirereplyan.
Wahehe.
Tipid din un.
Dati nun pagka may nagsend ng quote or whatever nirereplyan ko!
Oh di ba, naging tamad na ako!
Ahehe.
Sensya na wala ako sa katinuan sa mga panahon ngayon.
HAY!
Hmm..
Alam ko na ang gusto kong gawin!
Gusto kong makita si Mickey Mouse!
-katorze-
Sunday, 04 May 2008
-
This is really funny.
If you know the anime Maria Sama Ga Miteru or Maria Watches Over Us, you'll definitely laugh out loud with this special clip.
That anime's a bit serious but when they released this Maria Sama Ni Wa Naisho or Don't Say Anything To Maria Sama, damn! Its freaking hilarious! Hehe.
Laughed my brains out when I saw this clip!
-katorze-
Thursday, 01 May 2008
-
Balisa
Kagabi, di ako makatulog.
Ewan bakit.
Inaantok ako na di makatulog.
Para bang may umiisip sa akin or may iniisip ako.
Ewan!
Basta alam ko di ako mapirmi sa kama.
Nabalatan na nga yong kutson ko kakaikot ikot ko.
Nakakatawa nga, bumaba ako ng hating gabi at..
Naligo ako.
Hehe.
Oo, naligo ako.
Pagkasi bagong ligo ako, inaantok ako.
Yong bang feeling na super linis mo, ang sarap.
Lahat ng inis, lahat ng worries, lahat ng anek-anek natanggal ng pagsabon sabon.
Sa awa ng Diyos, nakatulog ako.
Pero, parang manok.
Pagising gising.
Onting kibot lang, nagigising na agad ako.
Kaya kanina sa planta, mukha akong harrassed.
Hehe.
Inaantok eh.
At nalipad ang utak ko.
May moments na napapahinto at nabablangko ako.
Buti nga medjo nagfufunction pa ako kahit papano.
Ako kasi pinakasenior na FT kanina dun, kaya lahat ng decision making about troubles nakaatas sa akin.
Hay, buti nalang konti lang ang troubleshooting kanina.
April 29, 2008 6:20 PM
-katorze-
Wednesday, 09 April 2008
-
Useless Facts About Me.
According to my mom, when I was young, I was a lefty. I'm a righty now due to constant smacking of my hands. Hehe.
I could sense a text message coming 3 to 5 seconds before it registers on my phone.. even before the “One Message Received” appears on the screen.
I'm addicted to anime that’s thought provoking like Kino No Tabi (Kino’s Travel) and Evangelion.
Slyck’s, my laptop, memory bank’s contents are mostly movies, pictures and a whole lot of music. In short, I love music and movies. Hmm.. I do have a folder that contains my (coughs) poems and essays. Another one’s a folder containing some of my work documents.
My tears fall rather easily when the right buttons are pushed, di ba Diana?! Iyakin ako di ba? Hehehe.
I'm a slow reader.
I like patterns but I'm not that fond of routines.
I'm a self proclaimed OC (Obsessive Compulsive).
I like talking to old people. I love hearing the “old days” stories.
I speak straight english only when I'm angry and get tongue tied when I'm not.
I don’t really know why but I'm slightly afraid of bridges – hanging ones or water bridges.
I like spaghetti, actually I love spaghetti. Hehe.
April 8, 2008 10:36 PM
-katorze-
Monday, 31 March 2008
-
Huling Araw Ng Marso
Eto ang unang situwasyon.. Ikaw ang boss. Meron kang isang empleyadong nanggagalaiti sa galit at tuluyan ng nawalan ng kontrol sa sarili.Eto ang nangyari.. Sinigawan ka sa harap ng iyong mga tauhan. Take note, ikaw ang boss at isa syang di hamak na trabahador lang. Saan ka sinisigawan? Sa mismong opisina mo. Ininsulto nya ang pamamalakad mo, ininsulto nya yong systemang pinapatupad mo.Pagkatapos ng komosyon, anong ginawa ng mokong na trabahador na ito?! Pinangalandakan pa sa mundo na english sya ng english sa harap mo at proud pa syang sinigawan ka nya.Kung ikaw ang boss na pinagsisigawan ng isang masnakakababang rango sayo ano ang gagawin mo?!Kung ako iyon, there and then sinesante ko na sya.Pero ano ang ginawa ng boss na tinutukoy ko dito? Wala syang ginawa, ang sabi pa nya.. "Eh ganon talaga sya eh."Anak ng kunehong kinalbo na ginawang siopao! Kaya tuloy di sya nirerespeto ng mga tao nya eh. Pinapayagan nyang ganon ganunin sya.Nakakaawang nilalang. Tsk!-----Ikalawang situwasyon.. Nakauniporme ka, ang ganda mo. Kagalang galang istura mo. Sumakay ka ng tricycle papunta ng opisina. May kasama ka sa tricycle na di mo kilala, napunta ka dun sa pinakaloob ng tricycle.. Gahaman kasi sa pasahero ang mamang driver kaya kung ilan ang kayang lamanin ng sasakyan nya eh iyon ang isinakay.Ngayon, bababa ka na. Nagpara ka. Nagexcuse me ka pa. At eto ang nangyari.. Di makaintindi ang katabi mong babae. Manhid sya in short. Di sya tumayo't lumabas muna para makababa ka ng mapayapa. Tamad din sya in short. Wala syang paki sa kapwa nya, in short heartless sya. (haha, di naman halatang galit ako noh?!)Di talaga kumilos ang babaeng nakasleeveless na ito, eh nagmamadali ka na dahil late ka na. Wala kang magawa kung hindi pahirapan ang sarili mong tumayo'y bumaba ng tricycle. Lechugas na babae, itinabi lang ang sarili sa gilid para magkaroon ng isang makipot na dadaanan mo.Hello ineng! Malaking tao ka! "POTAH!" napamura ka. Siguro naman narinig nya. Sana talaga nadinig nya.Kung ikaw yong babaeng naagrabiado, anong gagawin mo?Ako, napamura ako. Hahahaha. Narinig nga din ata nung security guard namen. Nahiya tuloy ako, di pa man din ako palamurang tao.-----Ikatlong situwasyon.. Nahihilig ka sa kape. Masarap eh. Sa isang araw, nakakadalwang tasa ka. Isa sa umaga, isa sa hapon.Napuna ito ng iyong katrabaho. Sabi nya na para bang nangiinis ang tono sa boses, "Aba kape ka ng kape ah."Nairita ka sa sinabi nya, baket ba masama bang magkape, breaktime ko naman? Sa iyo ba ang kapeng iniinom ko? Hindi ba ako entitled sa freebees ng kumpanya? Ikaw lang ba ang autorisadong uminom ng uminom ng kape?Pabiro mong sinabing, "Baket masama?" May halong galit din sa iyong tono.Naramdaman nyang nainis ka, natigilan sya't umalis ng mesa.Kung ikaw yong pinuna na kape ng kape, anong gagawin mo?!-----Maiba naman tayo, kanina, nagpakasasa ako sa sinahod ko. Hahaha.Wala lang, ang tagal ko na kasing hindi nakakapagshopping eh. Kaya ayun, nahumaling at nagsplurge! Ubos si pera.Oks lang, sabi naman ng kaibigan ko, "basta masaya ka sa pinamili mo okie yon."Masaya ako! Masaya ako! Nabadtrip kasi ako kaninang umaga hanggang hapon, masama ang araw na ito. Ayaw ko namang tapusin ang araw ko ng badtrip ako kaya nagpakasaya ako. Okie na ko. Hehe.Siguro mamya ko mararamdaman yong pagkaubos ng pera ko. Haha, pagnahimasmasan na ako. Hehe.-katorze-
BlissfulReverie
-
- Name: aRraH
- Country: Philippines
- Metro: Manila
- Birthday: 8/17/1981
- Gender: Female
- Member Since: 10/28/2005

